Umabot sa 734,337 ang kabuuang doses ng bakuna kontra COVID-19 ang naiturok sa ikalawang araw ng ikalawang yugto ng Bayanihan, Bakunahan.
Ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) Chairperson At Health Usec. Myrna Cabotaje, nasa 1,006,096 na ang nabakunahan sa loob lamang ng dalawang araw.
Aniya, mahigit 100 milyong doses na ng bakuna ang naiturok nang magsimula ang bakunahan noong Marso.
Sa kabuuan, nasa 43 milyon na ang fully vaccinated o katumbas ng 55.78% ng target population.
Samantala, nanatili pa ring top performing regions sa Bayanihan, Bakunahan ang Region 4A o CALABARZON; Region 3 o Central Luzon; At Region 1 o Ilocos Region.
Facebook Comments