Bilang ng nabakunahan laban sa COVID-19 sa lungsod ng Mandaluyong, mahigit 100,000 na

Pumalo na sa 100,267 na indibidwal ang mga nabakunahan na laban sa COVID-19 kung saan kabilang dito ang medical frontliners, senior citizens, may mga sakit, at manggagawa.

4,170 na medical frontliners, 20,022 na senior citizens, 54,504 na mga indibidwal na may mga sakit, at 114 na mga manggagawa ang nakatanggap na ng unang dose ng COVID-19 vaccine.

Habang 3,891 na medical frontliners, 4,833 na senior citizens, 12,661 na may mga sakit, at 72 na manggagawa ang nabigyan na ng kumpletong bakuna laban sa COVID-19.


Samantala, ngayong araw, tatlong mega vaccination sites at dalawang vaccinations centers ang bukas upang ipagpatuloy ang bakunahan ng lungsod.

Kung saan ang priority ang mga indibidwal na kabilang sa A2 o senior citizens, A3 o may mga sakit, at A4 o manggagawa.

Ang mega vaccination site na nasa SM Megamall ay inilaan lamang ngayong araw para sa pagbakuna ng second dose ng Pfizer na nabakunahan ng unang dose noong May 18.

Facebook Comments