Bilang ng nabakunahan laban sa COVID-19 sa Pasig, nasa mahigit 43,000 na

30

Inihayag ni Pasig City Mayor Vico Sotto na nasa mahigit 43,000 na mga indibidwal ang nabakunahan sa lungsod para sa unang dose ng COVID-19 vaccine.

Aniya, umabot naman na sa 25% ang nabakunahan na ng COVID-19 vaccine na mga senior citizen.


Pero nilinaw naman ng alkalde na ang mga vaccine na kanilang nagamit ay bigay pa lamang ng national government.

Inaasahan niya na mas marami pang bakuna ang darating sa lungsod sa mga susunod na araw.

Facebook Comments