PNP, hindi magiging malupit laban sa mga lalabag sa face mask policy

43

Hindi magiging malupit ang mga pulis laban sa mga lalabag sa face mask policy.

Ito ang tiniyak ni PNP chief Police General Guillermo Eleazar sa kanila ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin ang mga mahuhuling hindi naka-face mask sa mga pampublikong lugar.


Ayon kay Eleazar, ang mga violator ay dadalhin nila sa holding area kung saan hindi sila magkukumpulan at alinsunod sa ordinansa ang ipapataw na parusa gaya ng community service o multa.

Dagdag pa niya, sa halip na pagmultahin, bibigyan din nila ang mga violator ng face masks.

Nagbabala naman ang PNP Chief sa mga station commander at police chief sakaling may mga tauhan silang magpatupad ng malupit na parusa sa ilalim ng kanilang hurisdiksyon.

Facebook Comments