Pumalo na sa 367 na mga batang may comorbidities ang nabakunahan na laban sa COVID-19 sa Pasig City General Hospital o PCGH.
Ayong kay Dr. Arlene Samonte, administrator ng PCGH, ang nasabing ay mula noong October 16 ang simula ng pediatric vaccination hanggang October 26.
Aniya, nagpapatuloy pa rin ang bakunahan sa PCGH laban sa COVID-19 ng mga batang may edad 12 hanggang 17 anyos na may kapansanan at sakit.
Samantala, as of October 23, pumalo na sa 814,904 adult individual ang nabakunahan na sa Pasig laban sa naturang sakit.
Mula sa nasabing bilang, 439,327 nito ay nakatanggap na ng first dose at 375,577 naman ang nakakumpleto na ng dose ng bakuna.
Facebook Comments