Umakyat na sa 46 ang nabiktima ng paputok, ilang araw bago ang pagsalubong sa bagong taon.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, karamihan ay naitala sa Metro Manila, Ilocos, Cagayan Valley, Calabarzon at Bicol Region.
Pinakamarami ay biktima ng boga, habang ang iba ay dahil sa luces at piccolo.
Wala pa namang naitalang namatay mula nang simulan ng DOH ang kanilang monitoring noong Disyembre 21.
Gayunman, aminado ang kalihim na hindi pa rin siya masaya sa resulta lalo’t target sana ng ahensya ang zero firecracker-related injury ngayong taon.
Facebook Comments