Entry ban ng US senators vs. Ph officials, totoo – Panelo

Totoo ang entry ban ng Amerika laban sa Philippine Government Officials na sangkot sa pagpapakulong kay Senadora Leila De Lima.

 

Ito ang nilinaw ng palasyo kasunod ng inilabas na pahayag ni “thinking pinoy” blogger RJ Nieto na non-existent ang nasabing probisyon sa ilalim ng US fiscal year 2020 State and Foreign Operations Appropriations Bill.

 

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo,  kinumpirma mismo ito ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez.


 

Pero aniya, totoo man o hindi ang travel ban, mananatili pa rin naman ang utos ni Pangulong Duterte na pagbawalan ding makapasok sa bansa sina US senators Richard Durbin at Patrick Leahy (ley-hi).

Facebook Comments