Patuloy na tumataas ang bilang ng mga aplikasyon na natatanggap sa Register Anywhere Project (RAP) hubs ng Commission on Elections (COMELEC).
Batay sa pinakahuling datos ng poll body, may kabuuang 2,043 na aplikasyon para sa voter registration ang isinumite mula Enero 14 hanggang 15.
Ang may pinakamataas na bilang ng aplikasyon ay natanggap sa SM Fairview sa Quezon City na may 614.
Sinundan ito ng Robinsons Manila na may 386; SM Sucat, Parañaque City na may 284; at Robinsons Galleria sa Quezon City na may 267.
Ang huling weekend para sa pagpaparehistro sa ilalim ng RAP sa walong piling malls ay mula Enero 21 hanggang 22, 2023, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Facebook Comments