Nadagdagan ng 85 mula sa 129 kahapon ang kumpirmadong COVID-19 cases sa Quezon City.
Umabot na ngayon sa 7,569 ang nagpositibo sa virus sa lungsod.
Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit, mula sa kabuuang bilang, 2,359 ang COVID-19 active cases.
Nakapagtala naman ng 53 na mga gumaling sa sakit na mayroon ng kabuuang 4,766 at dalawa naman ang mga namatay na umabot na sa 313.
Base sa datos ng City Health Department, pinakamaraming namatay ay mula sa District 4 na may 67 kung saan sampu rito ay mula sa Barangay Tatalon.
Sumunod ang District 1 na may 66 kung saan pinakamarami sa Barangay Bahay Toro na may 12 nasawi, District 6 na may 60 na ang malaking bilang ay mula sa Barangay Tandang Sora, Culiat, Pasong Tamo at Baesa.
Samantala, may 43 naman sa District 2, 16 dito ay mula sa Batasan Hills at 16 sa Holy Spirit.
Nakapagtala rin ng 38 sa District 3, 11 ay mula sa Barangay Matandang Balara habang sa District 5 ay may 37 na namatay.