Bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa Quezon City, umakyat na sa 119,553

Umabot na sa 119,553 ang kabuuang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa Quezon City.

Dahil dito, umaabot na sa 8,013 ang kumpirmadong kaso o ‘yung patuloy na nagpapagaling sa lungsod.

Ayon sa QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit o CESU, pumalo na rin sa 1,286 ang lahat ng nasawi sa Quezon City dahil sa COVID-19.


Dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa lungsod, nasa 55 lugar na lubhang apektado ang isinailalim sa special concern lockdown ng lokal na pamahalaan.

Nasa 110,254 na ang gumaling mula sa COVID-19 sa Quezon City.

Facebook Comments