CHED, hinikayat ang mga teaching at non-teaching personnel na mag-avail ng libreng graduate studies

Hinikayat ng Commision on Higher Education (CHED) ang mga teaching at non-teaching personnel ng Higher Education Institutions (HEIS) na kumuha ng graduate studies nang libre.

Sa pamamagitan ito ng alok nilang scholarship sa ilalim ng Scholarships for Instructors’ and Staff Knowledge Advancement Program (SIKAP).

Ayon kay CHED Chairman Prospero de Vera, layon nitong mapataas ang kalidad ng edukasyon para sa mga msag-aaral at ang tinatawag na professional advancement sa kanilang mga faculty at staff.


Nasa P30,000 ang matatanggap na allowance ng SIKAP beneficiaries na kumukuha ng masters degree habang P43,000 naman sa mga kumukuha ng doctorate degree.

Bukod pa aniya ito sa allowance na ibibigay para sa thesis at dissertation at hiwalay rin sa matrikula at iba pang kinakailangang bayaran.

Facebook Comments