Bilang ng naiparehistrong SIM card sa bansa, umakyat na sa 28 milyon ayon sa DICT

Umakyat na sa 28 milyong SIM card ang naiparehistro na sa ilalim ng SIM Card Registration Act.

Kinumpirma ito ni Department of Information and Communications Technology Secretary John Ivan Uy sa isang panayam.

Ngunit ayon kay Uy, meron pang 150 milyong SIM cards ang inisyu ng mga telecommunications company.


Dagdag pa rito, ilan kasi sa mga bumili nito ay mga scammers na isang beses lang ginamit ang SIM at itinapon din kalaunan kaya posibleng nasa 120 milyong cards ang matitira na kailangang marehistro.

Muling namang nagpaalala ang kalihim sa publiko na walang limit para sa isang subscriber kung ilang SIM card ang kaniyang iparehistro dahil may mga pagkakataon na higit sa isang cellphone at SIM ang pagmamay-ari nito.

Facebook Comments