DOH, nakapagtala ng 36 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon, pinakamababa simula March 2020

Muling nakapagtala ang bansa ng record low ng bagong kaso ng COVID-19.

Ito ay matapos maitala ng Department of Health ang 36 new cases kahapon, February 5, 2023, na pinakamababa sa nakalipas na halos tatlong taon o March 20, 2020.

Dahil dito, nagresulta rin ito sa pagbaba ng aktibong kaso o yung patuloy na nagpapagaling sa sakit na nasa 9,378, pinakamababa naman simula July 2, 2022.


Ayon kay OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David, nasa 1.8 percent na lamang ang positivity rate ng bansa dahil sa COVID-19.

Facebook Comments