Bilang ng naitalang firecracker related injury, umakyat na sa 319

Umakyat na sa 319 ang bilang ng fireworks related injuries na naitala ng Department of Health (DOH) simula December 21 hanggang January 5.

Base sa pinakahuling datos mula sa DOH, tatlo ang nadagdag mula sa Region 7, dalawa mula sa NCR, Region VI at X habang isa sa Region I, IV-A at V.

Sa 319 na kaso na ito, dalawa dito ay fireworks ingestion.


246 dito ang nasabugan, 11 sa mga ito ay naputulan.

Habang 81 ang nagtamo ng eye injury.

Nangunguna pa rin sa sanhi ng mga aksidenteng ito ang mga ipinagbabawal na paputok tulad ng boga, kwitis, piccolo, triangle, lusis maging ang 5-star.

Ayon sa Heath Secretary Francisco Duque III, ang mga kaso na ito, mas mababa pa rin ng 38% kumpara sa bilang ng kaso ng fireworks related injury na naitala noong 2018 sa kaparehong panahon.

Facebook Comments