BILANG NG NAITALANG SUNOG SA PANGASINAN, BUMABA

Nakitaan ng pagbaba sa bilang ng naitalang mga fire incidents sa lalawigan ng Pangasinan mula January 2025 hanggang sa kasalukuyan, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Pangasinan.

Sa tala ng ahensya, nasa apatnapu’t-walo (48) ang bilang ng mga nangyaring sunog mula January hanggang nitong March, kung saan mas mababa ito kung ikukumpara sa kaso noong nakaraang taon sa parehong panahon na nasa animnapu’t-tatlo (63).

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay BFP Pangasinan Public Information Office Chief FSInsp. Gian Gloreine Galano, patuloy pang bumababa ang bilang ng kaso ng sunog sa lalawigan noong mga nakaraang taon.

Aniya, mas paiigtingin pa ng pamunuan ang kampanya pagdating sa pag-iwas sa sunog sa pamamagitan ng iba’t-ibang mga ibinabang aktibidad sa mga komunidad tulad ng Oplan Ligtas na Pamayanan at iba pa.

Samantala, tiniyak ng ahensya na handa ang BFP Pangasinan sa banta ng mga fire emergencies maging katuwang sa iba pang mga sakuna, na pinagtitibay sa tulong ng bawat mamamayang Pilipino. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments