Pumalo na sa higit pitong milyong doses COVID-19 Vaccine ang naiturok sa buong Ilocos Region.
Sa datos ng DOH Region 1 nasa 79. 3% o 3, 397,258 na indibidwal ang fully vaccinated na laban sa sakit.
Ang probinsiya ng Ilocos Norte ang nangunguna sa may mataas na vaccination coverage na may 90. 47%ng kaniyang target individuals o 620, 052 na ang fully vaccinated.
Ikalawa ang Ilocos Sur na may 87. 74% o 724,385 ng target individuals ang bakunado.
Sinusundan ng La Union na nakapagtala ng 76. 93% o katumbas ng 518,252 ang fully vaccinated at ang Pangasinan may 2, 983,214 o 74. 89% na katao ang fully vaccinated.
Nasa 620,185 na katao naman ang naturukan ng booster shot o 22. 07%.
Nasa 620,185 na katao naman ang naturukan ng booster shot o 22. 07%.
Patuloy ang panawagan ng DOH Region 1 na magpunta sa pinakamalapit na vaccination center upang mabigyan ng booster shot upang maging “fully protected ” laban sa sakit. | ifmnews
Facebook Comments