FACE TO FACE JOB FAIR NAKATAKDANG ISAGAWA NG DOLE SA LABING ISANG LUGAR SA BUONG REGION 1

Dahil sa pagbaba ng alert level status at pagluwag ng quarantine restrictions sa buong rehiyon uno, nakalatag na ang mga lugar na bibisitahin ng DOLE Region 1 para sa pagsasagawa ng face to face job fair.
Ito ay pagtugon ng ahensya dahil sa kawalan ng trabaho na dulot ng pandemya sa buong bansa, umaasa rin ang ahensya na ito ang magiging sagot sa muling pagsigla ng ekonomiya sa rehiyon.
Nakatakdang magsagawa bukas ng job fair sa bayan ng Lingayen na susundan pa sa mga susunod n araw sa bayan naman ng Rosales, San Manuel, Dagupan City, Bayambang, Anda, Natividad, at Tayug.

Matatandaan na base sa datos ng PSA, isa ang rehiyon uno sa nakapagtala ng mataas na unemployment rate kung saan nasa 7.2% ito.
Samantala, inaanyayahan ng ahensya ang lahat na makiisa sa nasabing aktibidad. | ifmnews
Facebook Comments