Bilang ng nakakarekober na mga residente sa COVID-19 sa lungsod ng Maynila, halos 25,000 na

Photo Courtesy: Manila PIO

Halos nasa 25,000 na ang bilang ng mga residente na nakakarekober sa COVID-19 sa lungsod ng Maynila.

Sa inilabas na datos ng Manila Public Information Office, nadagdagan ng 49 ang bilang ng recoveries kung saan pumalo na sa 24,946 ang kabuuang bilang nito.

Nasa 380 naman ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod at ang Sampaloc District ang may mataas na bilang na nasa 67.


Nadagdagan naman ng isa ang namatay kaya’t nasa 778 na ang kabuuang bilang ng nasawi.

Sa kabuuan, umaabot na sa 26,104 ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila.

Mula naman ng buksan ang libreng swab test sa Quirino Grandstand, nasa 322 na ang naisalang dito kung saan 7 ang nagpositibo habang 229 ang negatibo at 86 ang nag-aabang ng resulta.

Sa nasabing bilang ng positibo, lima rito ang residente ng lungsod ng Maynila.

Facebook Comments