Bilang ng Nakarekober, Nagpositibo sa COVID-19 sa Cagayan Valley, Nadagdagan

54

Cauayan City, Isabela- Nadagdagan pa ang bilang ng mga gumaling at nagpositibo sa COVID-19 sa rehiyon dos.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2, walo (8) ang naitalang bagong nagpositibo habang sampu (10) ang nakarekober.


Mula sa 8 na new confirmed cases sa rehiyon dos, apat (4) ang naitala mula sa probinsya ng Cagayan, isa (1) sa Isabela at tatlo (3) sa Santiago City.

Sa 10 na new receovered cases sa rehiyon, tatlo (3) ang mula sa Cagayan, at pito (7) sa Isabela.

Ang lalawigan ng Cagayan ay mayroon nang 87 na total active cases, 193 sa Isabela, 32 sa Santiago City, 24 sa Nueva Vizcaya at 2 sa Quirino habang COVID-19 free na ang probinsya ng Batanes.

Sa kasalukuyan, umabot sa 2, 973 ang total confirmed cases ng region 2 kung saan 338 ang active cases.




Umakyat naman sa 2,590 ang total recovered cases at 45 ang naitalang nasawi.

Facebook Comments