Pumalo na sa 202 indibidwal ang naitatalang namatay dahil sa nararanasang dengue outbreak sa ilang lugar sa bansa.
Batay ito sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
Mula January 1 hanggang July 13, 2019 nakapagtala na ang NDRRMC ng 38, 804 dengue cases sa regions CALABARZON, 6, 7, 8 at 12.
Pinakamaraming kaso ng dengue naitala sa Cebu na umaabot sa 5, 935, sinusundan ito ng Iloilo na umaabot sa 5,327.
Sa Cebu rin ang may pinakamaraming naitalang namatay dahil sa dengue na umaabot sa 36 katao.
Pumangalawa sa Negros Occidental na umaabot sa 23 indibidwal ang namatay.
Facebook Comments