Bilang ng namatay bunsod ng Ebola virus sa Uganda, umakyat na sa apat

Inanunsyo ng Health Ministry ng Uganda na umakyat na sa apat ang nasawi bunsod ng lubhang nakakahawang Ebola virus, tatlong taon matapos maitala ang unang namatay dahil sa sakit.

Ayon sa mga opisyal, nasa 11 na ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng sakit matapos madagdagan ng apat sa nakalipas na 24 oras.

Ngunit hindi malinaw kung kasama na sa 11 Ebola cases ang apat na nasawi.


Patuloy namang binabantayan ang kalagayan ng 19 pang iba sa ospital na pinaghihinalaang nahawahan din ng virus.

Nitong Martes lamang ay nagdeklara ng Ebola outbreak sa central district ng Mubende matapos nasawi ang isang 24-taong gulang na lalaki dahil sa sakit.

Kaugnay nito ay nagpatupad na ng travel restrictions para sa mga non-essential work at pagbabawal sa mga malaking pagtitipon sa naturang lugar.

Facebook Comments