Anak nina Vic Sotto at Pauleen Luna na si Tali, sasabak na rin sa showbiz

122

Sasabak na rin sa showbiz ang unica hija ng mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna na si Tali Sotto.

Kasama si Tali sa host ng bagong palabas na “Love, Bosleng and Tali” na isang television drama anthology kung saan host din ng programa ang kaniyang mga magulang.

Full-support naman sina Bossing Vic at Pauleen sa pag-aartista ni Tali dahil iyon ang kaniyang kinalakihan.


Say pa ni Bossing, nasa dugo na rin ito ng kanilang unica hija bunga ng parehas ding artista ang kaniyang mommy at daddy at posibleng nasa dugo na rin nito ang pagiging magaling na singer at comedian.

Facebook Comments