Cauayan City, Isabela- Pumapalo na sa 486 ang bilang ng namatay na may kaugnayan sa COVID-19 ang naitala sa buong Lambak ng Cagayan.
Sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) Region 2 as of April 22, 2021, nadagdagan ng labing apat (14) ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 na naitala mula sa iba’t-ibang probinsya sa rehiyon.
Mayroon namang 308 na naitalang panibagong positibong kaso na nagdadala ngayon sa kabuuang bilang na 28,488.
Nakapagtala naman ang rehiyon kahapon ng 564 bagong gumaling kaya’t tumaas sa 22,556 ang total recovered cases ng rehiyon.
Sa kasalukuyan, umaabot na sa 5, 436 ang bilang ng aktibong kaso sa rehiyon na kung saan nangunguna ang Lalawigan ng Isabela sa may pinakamaraming active cases na umaabot sa 2,396, sumunod ang Cagayan na may 1,923; ang Santiago City na may 519; ang Nueva Vizcaya na may 397; ang probinsya ng Quirino na mayroon pang 201 samantalang ang Lalawigan ng Batanes ay wala ng kaso ng COVID-19.