Bilang ng namatay sa nagpapatuloy na krisis sa Marawi City, aabot na sa walong daan

1341

Manila, Philippines – Umabot na sa pitong daan at pitumput dalawa ang bilang ng mga namatay sa nagpapatuloy na bakbakan sa pagitan ng tropa ng gobyerno at Maute sa Marawi City.

Mahigit tatlong buwan matapos na sumiklab ang bakbakan, umabot na sa limang daan siyamnaput pito ang napatay sa panig ng teroristang grupo.

Nasa isandaan at tatlumpu naman ang nasawi sa tropa ng pamahalaan habang nananatili sa apat napu’t lima ang sibilyan na napatay sa bakbakan.


Aabot sa isang libo pitong daan at dalawamput walo ang nailigtas na sibilyan habang nasa anim na daang at animnapu ang nakober na armas ng militar.

Facebook Comments