Mga sundalo, mas ganado na makipagbakbakan sa Maute

Manila, Philippines – Lalo pang tumaas ang morale ng mga sundalo sa Marawi City na patuloy na nakikipagbakbakan sa teroristang Maute group.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, mas ginanahan ang mga sundalo na ituloy ang kanilang laban dahil sa muling pagdalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi pa ni Padilla na malapit nang mabawi ng pamahalaan ang buong Marawi City mula sa mga terorista matapos makuha ng AFP ang Grand Mosque sa lungsod na una nang pinagkutaan ng mga kalaban.


Nangako din naman ang mga sundalo kay Pangulong Duterte na babawiin nila sa mga terorista ang lungsod sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments