Bilang ng napaulat na nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Maring, sumampa na sa 40

Sumampa na sa 40 katao ang napaulat na nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Maring sa bansa.

Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 23 sa mga ito ay kumpirmadong dahil sa bagyo habang inaalam pa ang 17.

Nasa 16 naman ang bilang ng mga nawawala dahil sa bagyo.


Sa ngayon, aabot pa sa 11 kalsada at 13 tulay ang hindi madaanan kung saan 25 lugar pa ang nananatiling lubog sa baha.

Hindi pa rin nakakabalik sa operasyon ang siyam na pantalan sa bansa, bagama’t nakabalik na ang operasyon nito sa Calabarzon, Mimaropa, at Caraga Region.

Sa ngayon, umabot na sa P1.87 billion ang pinsalang iniwan ng Bagyong Maring sa sektor ng agrikultura kung saan apektado ang 56,718 mangingisda at magsasaka.

Facebook Comments