Bilang ng nasawi dulot ng Bagyong Uwan, umabot na sa 25 ayon sa NDRRMC

Sa inilabas na huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, aabot na sa 25 ang naitalang nasawi dulot ng pananalasa ng Bagyong Uwan sa bansa.

Kung saan sa Cordillera Administrative Region o CAR ang naitalang may pinakamataas na bilang ng nasawi na nasa 18 indibidwal.

Sinundan ito ng Region 2 na may 4, at tig-iisa sa Region 5, 6 at 8.

Sa tala naman ng mga nasugatan ay umabot na sa 29 ang naitala ng ahensya at mula ito sa Region 2, CAR, CALABARZON, Region 5, 6 at Negros Island Region (NIR).

Samantala, 2 pa rin ang naiulat na nawawala.

Patuloy naman ang isinasagawang Humanitarian Assistance and Disaster Response o HADR sa mga naapektuhang residente at lugar ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan.

Facebook Comments