Bilang ng nasawi sa baha sa Western Europe, umakyat na sa 128

Umakyat na sa 128 ang bilang ng nasawi matapos ang malawakang pagbaha sa Western Europe.

Ayon sa otoridad, karamihan sa mga komunidad sa North Rhine-Westphalia at Rhineland-Palatinate, Belgium at Netherlands ay lubog ngayon sa baha bunsod ng malakas na pag-ulan nitong linggo.

Nagtamo ng pinsala ang mga imprastraktura at halos 1,300 na indibidwal naman ang pinaghahanap ngayon ng otoridad sa Ahrweiler district south of Cologne.


Nagpakalat naman ng 700 na sundalo ang German military sa dalawang estado upang tumulong sa paghahanap ng mga nawawala indibidwal.

Facebook Comments