Liza Soberano at Enrique Gil, maglulunsad ng virtual fan meet para sa isang charity group

Maglulunsad ng virtual fan meet ang real-life couple na sina Liza Soberano at Enrique Gil na layong makakalap ng pondo para sa mga bata.

Ayon kay Liza, mapupunta ang proceeds ng event sa Save the Children- Philippines bilang suporta sa kanilang ika-40 na taon na serbisyo para sa mga bata.

Inaasahang 150 na fans ang makikilahok sa virtual fans’ day ng dalawa sa July 28.


Nabatid na hindi na bago sa ganitong philanthropy sina Soberano at Gil na nagsagawa na ng ilang charity drives para sa mga nangangailangan.

Facebook Comments