Umabot na sa 179 ang binawian ng buhay dahil sa COVID-19 sa Quezon City.
Kasunod na rin ito ng panibagong tatlong nasawi na naitala sa nakalipas na magdamag.
Pero sa kabila nito, sinabi ng QC Health Department na mas dumadami ang bilang ng mga gumagaling sa sakit matapos madagdagan pa ng tatlumput walo (38) ang recoveries na pumalo na ngayon sa kabuuang 1,179.
Base sa ulat ng Department of Health (DOH), 2,452 na ang naitalang confirmed cases ng COVID-19 sa QC at 909 ang active cases.
Umakyat din sa labing apat ang mga barangay sa lungsod na tinaguriang ‘high-risk’ sa COVID-19 mula sa labing tatlo noong nakalipas na linggo.
Kabilang dito ang mga barangay ng Philam, San Jose, NS Amoranto, Damar, Libis, Kalusugan, Old Capitol Site, Kristong Hari, Mariana, Maharlika, Obrero, Damayang Lagi, Don Manuel at San Martin de Porres.
Mula sa 99 na ‘moderate risk’ na barangay noong nakaraang linggo, bumaba ito ngayon sa 95.
33 barangay naman ang tinaguriang ‘low risk’ mula sa 30 noong nakaraang linggo.