Bilang ng nasawi sa dengue sa Western at Central Visayas, umakyat na sa 58; epidemya ng dengue sa Cagayan Region, posibleng ideklara rin!

Umabot na sa 58 ang nasawi dahil sa dengue sa Western at Central Visayas region.

Ayon sa Department of Health (DOH), nakapagtala ang Central Visayas ng 38 na nasawi habang 20 naman sa Western Visayas, simula noong Enero 1 hanggang Mayo 28.

Sa kabuuan ay umabot pa sa 2,065 ang dengue cases sa Western Visayas kung saan mas mataas ito ng 149% kumpara sa 828 na kaso noong 2021


Samantala, posible namang ideklara ang epidemya ng dengue sa Cagayan Region dahil sa pagtaas ng kaso nito sa lalawigan.

Ayon sa Cagayan Provincial Health Office, umaabot sa 1,035 ang kaso ng dengue sa probinsya ngayong taon kung saan 5 na ang nasawi sa naturang bilang.

Sa kabila nito ay wala pa namang naitatalang dengue outbreak sa Cagayan.

Kaugnay nito ay nagpapaalala naman ang mga awtoridad sa publiko na huwag nang hinintaying lumala ang sintomas ng dengue bago pa magpakonsulta sa ospital.

Facebook Comments