Bilang ng nasawi sa hagupit ng Bagyong Agaton sa bansa, umakyat pa sa 224; bilang ng mga nawawala, nadagdagan din!

Pumalo na ngayon sa 224 ang bilang ng nasawi sa pananalasa ng Bagyong Agaton sa bansa.

Batay sa latest report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, lahat ng bagong naidagdag sa bilang ng nasawi ay mula sa Eastern Visayas.

Dahil dito, umakyat na sa 202 ang kabuuang bilang ng nasawi sa Eastern Visayas habang labing pito mula sa Western Visayas, tatlo sa Davao, at dalawa sa Central Visayas.


Maging ang mga naiulat na nawawala dahil sa bagyo ay umakyat na rin sa 147 habang nananatiling walo ang nasugatan.

Nabatid na pumalo sa 599,956 pamilya ang naapektuhan ng bagyo sa 2,421 barangays sa Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao, Soccsksargen, Caraga, at Bangsamoro.

Umakyat naman sa P257,025,441 ang pinsala sa agrikultura habang P6,950,000 sa infrastructure sa Western Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Soccsksargen, at Bangsamoro.

Sa ngayon may kabuuang 18-lungsod at and municipalities na ang nagdeklara ng State of Calamity dahil sa hagupit ng Bagyong Agaton.

Facebook Comments