Bilang ng nasawi sa Muntinlupa ng dahil sa COVID-19, umakyat na sa 20

Kinumpiram ng City Health Office o CHO ng Muntinlupa na nadagdagan naman ang bilang ng mga nasawi sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 sa lungsod.

Batay sa pinakabagong tala ng CHO ng nasabing lungsod, isa naman ang naidagdag sa kanilang listahan ng mga pasyente ng COVID-19 na binawian ng buhay kahapon na residente ng Ayala Alabang.

Kaya naman umabot na ang ang kabuuang bilang nito sa 20.


Nasa 142 naman ang kabuuang bilang ng confirmed cases ng nasabing virus sa lungsod, kung saan kahapon tatlong mga bagong pasyente ang naidagdag.

Ito ay mga nanggaling sa Barangay Poblacion, Putatan at Cupang.

Meron na rin 32 COVID-19 patient ang lungsod ang mga gumaling na sa sakit na dulot ng virus, 400 mga inibidwal naman ang kabilang sa Probable cases at 18 ang bilang ng suspected cases.

Facebook Comments