Bilang ng nasawi sa pagbaha sa Turkey, umakyat na sa 27

Umakyat na sa 27 ang nasawi sa pagbaha bunsod ng patuloy na malakas na pag-ulan sa Turkey.

Ayon kay Turkey President Recep Tayyip Erdogan, nagpakalat na sila ng 4,644 na personnel, 19 helicopters at 24 boats upang magsagawa ng rescue operations sa mga malalang naapektuhang lugar tulad ng Black Sea Region.

Nag-umpisang bumuhos ang malakas na ulan sa Turkey nitong Miyerkoles na nagresulta ng pagbaha at landslides na nakasira sa mga kabahayan, tulay at mga sasakyan.


Batay sa huling datos ng Disaster and Emergency Management Presidency (AFAD), mayroong higit 1,400 na indibidwal na ang inilikas mula sa mga apektadong lugar.

Facebook Comments