Samahang Weightlifting ng Pilipinas, nanatiling bukas para kay Hidilyn Diaz

Nananatili pa ring bukas ang slot ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) kay Olympic Gold medalist Hidilyn Diaz sakaling magdesisyon itong sumali sa 2024 Paris Games.

Ayon kay SWP President Monico Puentevella, ipapaubaya na nila kay Diaz ang desisyon kung itutuloy niyang sumabak sa Paris matapos makapag-uwi ng karangalan sa bansa.

Una nang nagpahayag ng interest si Diaz sa Asian Games, Southeast Asian Games at world championships.


Sakaling magretiro o hindi tumuloy si Diaz sa Paris, magiging pambato ng bansa si Elreen Ando na kasalukuyang nasa ika-7 na puwesto sa women’s 64-kilogram division.

Facebook Comments