Bilang ng nasugatan dahil sa magnitude 6.4 na lindol sa Northern Luzon, 44 na

Umakyat na sa 44 na indibidwal ang nasugatan sa Ilocos Region at Cordillera kasunod ng magnitude 6.4 na lindol sa Abra noong Martes.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, umabot na sa 61,514 indibidwal o 18,478 pamilya sa Ilocos, Cagayan At Cordillera ang apektado ng lindol.

Sa nasabing bilang, 22 pamilya ang nananatili ngayon sa tatlong evacuation centers habang 140 pamilya nakikitira muna sa kanilang mga kaanak.


Samantala, 17 indibidwal naman ang napaulat na nasugatan sa Abra dahil sa lindol.

Ilang pamilya sa mga bayan ng tubo at Bangued ang hindi pinayagang makauwi dahil itinuturing na landslide prone area ang kinatitirikan ng kanilang mga bahay.

Nakatakdang magtutungo sa Abra ang PHIVOLCS upang alamin kung ang lindol nitong Martes ay aftershock ng tumamang magnitude 7.0 na lindol sa probinsya noong Hulyo.

“Actually po, meron kaming Abra fault, July 27, gumalaw yan kaya may [magnitude] 7.0 po kami. Sabi po ng PHIVOLCS, three to six to one year e meron pa siyang aftershocks. Ang nililinaw po namin ngayon, kung ito bang 6.4 ay aftershocks ng 7.0. Papunta pa lang sila [PHIVOLCS] para pag-aralan,” ani Abra PDRRMO OIC Arnel Valdez sa interview ng RMN DZXL 558.

Facebook Comments