Bilang ng natapos na flagship projects ng ‘Build Build Build’ Program, umabot na sa 15 ayon sa DPWH

Aabot na sa 15 infrastructure flagship projects (IFP’s) ng ‘Build, Build, Build” program ng nakaraang Duterte administration ang natapos na.

Ito ang ibinahagi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Senior Undersecretary Emil Sadain sa pagdinig ng House Organizational Meeting of the Committee on Flagship Programs and Projects kahapon.

Ayon kay Sadain, nadagdagan ng tatlo ang natapos na IFP’s nitong June 2022 kumpara sa 12 na iniulat ng ahensya noong April 2022.


Ito ay ang 7.505 bilyong pisong Flood Risk Managament Project sa mga ilog sa Cagayan, Tagoloan at Imus; 5:947 bilyong pisong Estrella-Pantaleon at Binondo-Intramuros Bridge na pinondohan ng China at ang 9.759 bilyong pisong LRT-2 East Extension Project.

Samantala, inaasahan namang matatapos ang 10 iba pang proyekto bago matapos ang taong 2022.

Mababatid na inihayag ni Pangulong Bongbong Marcos na maglalaan ang gobyerno ng lima hanggang anim na posyento ng gross domestic product (GDP) ng bansa para sa imprastraktura.

Facebook Comments