Cauayan City, Isabela- Umaabot sa 31,562 indibidwal o 35.49% ang nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19 sa buong Lalawigan ng Isabela.
Mula ito sa bilang na 88,875 na nabakunahan ng first dose nang magsimula ang vaccination rollout sa probinsya.
Sa inilabas na impormasyon ng Isabela Provincial Information Office, nasa 99% ang nakatanggap ng kumpletong bakuna sa ilalim ng A1 priority group; 20% sa A2 priority group na kinabibilangan ng mga Senior Citizens samantalang nasa 52% sa A3 priority group o mga indibidwal na may comorbidities.
Ang naitalang datos ng vaccine rollout sa probinsya ng Isabela ay liban pa sa datos ng Santiago City.
Kaugnay nito, muling hinihikayat ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela ang publiko na magpabakuna na kung nariyan na ang schedule.