BILANG NG NATURUKAN NG FIRST BOOSTER DOSE SA ILOCOS REGION NASA 30% PA LAMANG

Idol Ella Garcia | 104.7 iFM Dagupan

Aabot na sa 1,252, 723 indbidwal o katumbas ng 30% ng eligible poplation ng Ilocos Region ang nakakuha ng first booster sa nagpapatuloy na COVID-19 Vaccination ng gobyerno.
Sa nasabing bilang 209, 782 indibidwal dito ay mula sa Ilocos Norte, 318, 415 sa Ilocos Sur, 223, 831 katao sa probinisya ng La Union, 462, 578 sa Pangasinan at 38, 117 na mga Dagupeno.
Ayon kay Dr. Veronica Guadiz De Guzman, DOH Provincial Health Team Leader, Prayoridad ngayon ang pagkamit sa 50% pagbibigay ng booster dose sa mga senior citizen.

Sa datos ng DOH-CH1, 193,687 O 36.48% pa lamang sa mga ito ang may first booster dose.
Nasa 13 grupo ang idineploy ng kagawaran sa rehiyon na tututok sa pagbabakuna sa mga lugar na mababa pa ang accomplishment upang maabot ang target. | ifmnews
Facebook Comments