Halos 3 million na indibidwal sa bansa, nakatanggap na ng ikalawang booster shot kontra COVID-19

45

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na umaabot na sa 2.8 million na indibidwal sa bansa ang nakatanggap ng kanilang ikalawang booster shot kontra COVID-19.

Habang 19.3 million naman ang tumanggap na ng unang booster dose.

6.8 million naman na senior citizens sa bansa ang bakunado na.


10-million din na adolescents ang nabakunahan na kontra COVID-19 at 5 million na mga bata ang tumanggap na rin ng COVID-19 vaccine.

Sa ngayon, mahigit 73 million na ang kabuuang indibidwal na nabakunahan sa bansa.

Facebook Comments