Bilang ng nawalan ng trabaho sa NCR sa kasagsagan ng Alert Level 3, umabot sa mahigit 25,000!

Aabot sa mahigit 25,000 manggagawa sa National Capital Region ang nawalan ng trabaho habang nasa Alert Level 3 status ang rehiyon.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang naitalang bilang ng displaced workers ay dulot ng retrenchment o kaya ay ang pagsasara ng kanilang opisina.

Sa kabila nito, pwedeng makatanggap ng 5,000 pisong cash aid ang mga displaced workers sa lugar na nasa alert level 3 pataas tulad ng Metro Manila ng COVID-19 Adjustment Measures Program o CAMP.


Naglaan naman ang DOLE ng kabuuang isang bilyong piso sa naturang programa kung saan makikinabang ang 200 libong benepisyaryo sa buong bansa.

Facebook Comments