Reformulated ‘No vax, No ride’ Policy, ilalabas ngayong Linggo – Sec. Bello

137

Kinumpirma ni Labor Secretary Silvestre Bello III na magkakaroon ng reformulation o pagbabago sa umiiral na ‘No vaccination, No ride’ Policy ng pamahalaan.

Ito ay matapos makipagpulong ang kalihim sa mga miyembro ng gabinete kung saan nakabuo sila ng bagong probisyon sa naturang polisiya.

Ayon kay Bello, nakatakdang ilabas ang reformulated policy ngayong linggo.


Matatandaang ipinatupad ang ‘No vax, No ride’ Policy ng pamahalaan sa Metro Manila noong January 17 na layong limitahan ang galaw ng mga hindi pa bakunado laban sa COVID-19.

Facebook Comments