Pumalo na sa bilang na 9,757 overseas Filipino worker (OFW) ang tinamaan ng COVID-19 ngayong Lunes matapos madagdagan ng 3 bagong kaso ayon sa tala ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Sa ulat ng DFA, 7 ang bagong recovered patients sa mga Pilipino abroad na mayroon nang kabuuang bilang na 5,790 mga gumaling.
10 August 2020
Similar to yesterday’s figures, the DFA confirms no new fatalities among our people abroad due to COVID-19 today; 3 new confirmed COVID-19 cases; and 7 new recoveries recorded in two countries in Asia and the Pacific. (1/3)@teddyboylocsin pic.twitter.com/NuhXKxZee0
— DFA Philippines (@DFAPHL) August 10, 2020
Walang naiulat na bagong nasawi kaya nananatili sa 708 ang death toll na naitala.
Samantala, 3, 259 ang naiulat na nagpapagaling na OFWs sa virus; 285 sa Asia Pacific Region, 501 sa Europe, 2,311 sa Middle East at Africa at 162 sa Amerika.
Kasalukuyan naman nasa 129, 913 na ang tinamaan ng COVID-19 sa bansa.
Mayroon ng 2, 270 kabuuang bilang ng mga nasawi, 67, 673 nakarekober habang nasa 59, 970 na ang aktibong kaso na naitala.