Bilang ng OFWs na nagpopositibo sa Delta variant pagdating sa Hong Kong, bumababa na

Bumababa na ang bilang ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagpopositibo sa Delta variant pagdating sa Hong Kong.

Isang Filipina domestic worker ang huling naitalang kabilang sa walong nagpositibo sa COVID-19.

Ang pitong iba pang mga nagpositibo sa virus ay mga dayuhan mula sa iba’t ibang bansa.


Ang naturang Filipina worker ay asymptomatic at naka-isolate na sa Hong Kong.

Ang bagong local case doon ay nakitaan ng mutant strain ng Delta variant pero magsasagawa pa rin ang health authorities ng pagsusuri upang ikumpara ito sa mga imported na kaso na nakitaan ng Delta mutant strain.

Facebook Comments