Inihayag ng Commission on Population and Development (POPCOM) na tumaas ang bilang ng mga pamilyang sumasailalim sa family planning noong nakaraang taon.
Ayon sa POPCOM Undersecretary Juan Antonio Perez, umabot sa 8.1 milyon ang bilang mga nagpa-family planning, higit na mataas kumpara sa naitalang 7.6 milyon noong 2019.
Aniya, posibleng naisip ng maraming Pilipino ang hirap ng pagbubuntis ngayong pandemya.
Samantala, bumaba naman ang bilang ng mga nanganak noong 2020.
Ayon sa PSA, 1.5 milyon lamang ang naitalang nanganak noong nakaraang taon, mas mababa sa 1.67 milyong nanganak noong 2019.
Facebook Comments