Bilang ng Pilipinong fully vaccinated kontra COVID-19, pumalo na sa 71.8 milyon

Umakyat na sa 71.8 milyong Pilipino ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Ito ang sinabi ni Department of Health (DOH) Officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa isang briefing kung saan aabot na sa 9.7 milyong indibidwal na edad 12 hanggang 17 taong gulang at 4.2 milyong kabataang may edad 5 hanggang 11 taong gulang ang fully vaccinated na bilang paghahanda sa pagbubukas ng face-to-face classes sa August 22.

Ayon kay Vergeire, aabot na rin sa 16.4 milyong indibidwal ang naging bahagi ng kanilang “PinasLakas” campaign na layong bigyan ng booster shot ang 23.8 milyong Pilipino sa unang 100 araw ng Marcos administration.


Kaugnay nito, aabot na sa mahigit 1.4 milyong indibidwal ang nakatanggap na ng ikalawang booster shot nila laban sa virus.

Samantala, nasa 6.8 milyong senior citizens ang nagpabakuna na laban sa COVID-19.

Patuloy naman ang paghimok ng DOH sa publiko na lumahok sa kampanya sa lalong madaling panahon para sa karagdagang proteksyon laban sa sakit.

Facebook Comments