Bilang ng Pilipinong nabakunahan na ng COVID-19 booster shot, umabot na sa 19.7 million – DOH

Umabot sa 25% ng eligible population ng bansa ang nakatanggap ng kanilang unang COVID-19 booster.

Ayon kay Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, nasa 19.7 milyong Pilipino na ang nakatanggap nito kabilang na rito ang 3.2 milyong indibidwal na nabakunahan sa ilalim ng “PinasLakas” campaign.

Ibig sabihin, upang makamit ang 30% na target bago ang October 8 ay sinabi ni Vergeire na kinakailangan pa nilang makapagturok ng 3.6 milyong indibidwal bilang bahagi ng unang 100 araw ng Marcos administration.


Samantala, kinokonsidera ng DOH na bigyan ng insentibo ang local government units na may mataas na vaccination rate kung saan hinihintay na lamang maaprubahan ang pondo para rito.

Sa ngayon, nasa halos 73.2 milyong Pilipino na ang fully vaccinated laban sa COVID-19.

Facebook Comments