Korte Suprema, naglabas ng show cause order laban kay dating NTF-ELCAC Spokesperson Lorraine Badoy

301

Nag-isyu ng show cause order ang Korte Suprema laban kay National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokesperson Lorraine Badoy.

Sa ilalim nito, pinagpapaliwanag si Badoy sa loob ng 30 araw kung bakit hindi dapat siya pagmultahin o makulong laban sa pahayag niya laban kay Manila RTC Judge Marlo Magdoza-Malagar.

Hindi idinetalye ng kautusan ang naturang pahayag ni Badoy pero hiniling na magpaliwanag sa mga pahayag ng pang-aatake sa hukom hinggil sa September 21, 2022 resolution.


Mababatid na ibinasura ng Manila Regional Trial Court Branch 19 ang petisyon ng gobyerno na ipadeklarang terrorist group ang CPP-NPA na siyang pinirmahan ni Presiding Judge Malagar.

Facebook Comments