Bilang ng Pinoy na napauwi mula Kuwait, mahigit 7,000 na

Umaabot na sa 7,116 ang mga Pilipinong napauwi ng Philippine Embassy sa Kuwait simula nang pumutok ang COVID-19 pandemic nitong Marso.

Kabuuang 15 chartered flights ng Kuwait Airways ang sinakyan ng naturang Pinoy repatriates.

Ilan sa plane tickets ng naturang Overseas Filipino Workers (OFWs) ay sinagot ng kanilang employers.


Maging ang Kuwaiti Government ay tumulong din sa gastusin sa repatriation ng halos 2,500 na undocumented Pinoys.

Partikular ang undocumented OFWs na nag-avail ng amnesty program ng nasabing gobyerno.

Ito ay bilang bahagi ng preventive measures ng Kuwait sa harap ng banta ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments