National government, nag-donate ng face mask at gloves sa local government ng Marikina

Personal na iniabot ng National Task Force against COVID-19 kay Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro ang mga face mask at gloves upang magamit ng frontliners para maiwasan na magkakahawaan ng COVID-19.

Malugod na tinanggap ni Mayor Teodoro sina Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III at Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero De Vera III, ang opisyal ng gobyerno na designated Cabinet members to Marikina City, kung saan nag-donate sila ng mga face mask at gloves sa Marikina City Government.

Ayon kay Mayor Teodoro, malaking tulong ang mga face mask at gloves upang magamit ng kanilang mga frontliner at medical workers sa pag-alalay sa mga residenteng tinatamaan ng COVID-19.


Natutuwa ang alkalde sa ipinakitang pagtulong ng national government upang tuluyan ng masawata ang nakamamatay na sakit.

Dagdag pa ng alkalde, bumababa na rin ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 dahil sa patuloy ng kanilang paalala na palagiang magsuot ng face masks at face shields upang maiwasan ang COVID-19.

Facebook Comments